Nag-ipon-ipon ang mga empleyado, customers at tenants sa SM Megamal sa ginanap na 2017 National Earthquake Drill.
Halos dumoble ang bilang ng mga sumali mula sa SM sa ginanap na 2017 National Earthquake Drill ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Mula sa mahigit na 24,000 na sumali noong 2016, umabot sa halos 40,000 na empleyado, tenant, at mamimili ng SM ang nakiisa ngayong taon. Bukod sa mga malls, kasama din ang mga upisina at mga condo sa ilalim ng kumpanyang SM Prime. Bahagi ng pagsasanay ay ang pagsasadula ng iba’t-ibang sitwasyon tulad ng lindol kung saan maaaring masugatan at mahilo ang mga empleyado.
Masugid na nakikiisa ang SM sa pagpapalawak ng kaalaman sa kahandaan ukol sa mga sakuna na dulot ng kalamidad tulad ng lindol at bagyo. Sa katunayan, si Ginoong Hans Sy ng SM Prime ay ang nag-iisang kinatawan ng bansa sa pagpupulong ng United Nations International Strategy for Disaster Reduction Private Sector Alliance for Disaster Resilient Societies (ARISE).