Dahil mahalaga ang bawat isang mamamayan, ang SM Cares na corporate social responsibility (CSR) arm ng SM Supermalls, ay inilunsad kamakailan ang Senior Citizens Community Service Program na magbibigay ng oportunidad sa hanapbuhay para sa rnga elderly citizen sa mga pinagsisilbihan nilang pamayanan.

Layunin ng programang ito na inilunsad sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week (EFW) noong Oktubre 1, na mapabuti pa ang kalidad ng buhay at kagalingan ng mga matatanda, sa pamamagitan ng inaalok na casual at part-time work assignments sa mga senior citizen sa SM Supermalls sa buong bansa.

Kabilang sa mga trabahong ito ay ang mall entrance greeters at guides, female restroom assistants, food court table usherettes, taxi passenger assistants, at cinema ticket booth guides. “The launch of the program is very important to us because for several years, we have been actively patronized by our customers, which include our senior citizens. This program is therefore our own way of giving back and giving greater importance to the lolos and lolas of our communities communities,” ayon kay Danny Chavez, program director ng SM Cares Senior Citizens Committee.

Ayon pa kay Chavez, ang mga makukuha sa ilalim ng programang ito ay kinakailangan na mag-report sa trabaho sa loob ng dalawang araw kada isang linggo, at apat na oras sa loob ng isang araw hanggang anim na buwan na may hourly rate allowance na itinakda ng batas at karagdagang 15 percent premium.

lsa si Teresita Miguel, sa mga senior na nakuha sa ilalim ng programang ito. “We are happy, because we feel very important. Through this program, we are able to make the most out of our free time, while still enjoying the company of our fellow seniors and mall goers. I was touched to see the support and concern the government agencies and SM have given us,” ayon sa kanya.

Sa ginanap na paglunsad nito, nakipag-partner ang SM sa Department of Health at Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng “Walk For Life” parade sa SM Mall of Asia sa Pasay City, na layuning madagdagan ang kaalaman ng publiko tungkol sa health concernes at kabutihan ng mga matatanda.