PATULOY NA pinapalawak ng SM ang pagsuporta nito sa pormal na edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng bagong gusali sa sangay ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Ang bagong gusali na pinangalanang Henry Sy Sr. Hall ay may siyam na palapag, 29 na silid-aralan, tatlong laboratoryo ng computer, auditorium, silid para sa mga guro, multipurpose hall, at iba pang mahahalagang silid-pulungan. Kasama rin dito ang isang silid na mistulang korte, kung saan maaaring mag-ensayo ang mga estudyante ng abogasya.
Si Henry Sy, Sr. na nagtayo ng SM ay nagsumikap na magtrabaho sa murang edad para lamang makakuha ng pormal na edukasyon, na siya ring pangarap niyang makamit ng bawat Pilipino.
Ang UP ay isa sa mga kabalikat ng SM Foundation, Inc. sa mga proyektong pang-edukasyon, kung saan ang ilang iskolar ng SM ay nagtatapos ng kolehiyo. May ilang taon nang nagbibigay ng college scholarship at mga libreng kurso sa technical-vocational ang SM Foundation para sa mga matatalino, ngunit kapus-palad na mga estudyanteng galing sa mga mababang paaralan na pampubliko. Sa kasalukuyan, may naka-enroll na 1,500 iskolars ng SM sa kolehiyo at daan-daan din ang nasa technical-vocational na eskwela sa buong bansa.
Dahil sa mga scholarship programs ng SM Foundation, libu-libo nang mga estudyante ang nakaahon sa kahirapan at ngayon ay may kani-kaniyang mga trabaho at mahusay na pamumuhay.
Pinoy Parazzi: Bagong gusali ng UP sa BGC, bigay ng SM
Monday, Mar 7, 2016