“Video is available only in the Philippines”

MANILA – Suot ng Miss Universe candidates ang Philippine flag colors na red, white at blue sa benefit fashion ball ng Miss Universe sa Conrad Hotel kagabi.
Masusi ang kilatis ng lahat sa rampa ng mga kandidata.

Kabilang sa umangat ang mga kinatawan ng Australia, Brazil, China, Colombia, Indonesia, Netherlands, Thailand at Venezuela.

Nagpakitang gilas din ang mga kandidata ng Philippines, USA at Belize.

Boluntaryo ang serbisyo ng designers sa fashion showcase na pinamahalaan ni Albert Andrada, ang designer ni Miss Universe Pia Wurtzbach.

Mahigit 1,000 ang dumalo sa okasyon na nagbayad ng P150,000 per table bilang suporta sa benefit fashion ball.

Kasabay nito ang auction ng artworks at mga produkto ng iba’t ibang bansa na nakalikom ng P850,000 para sa Aids Foundation at iba pang charity groups na kaalyado ng Miss Universe.

Kinilala rin ang mga maimpluwensyang babae sa pangunguna nina Lea Salonga at Vicki Belo.

Guests of honor din ang mga nakaraang Miss Universe na sina Gloria Diaz at Margie Moran.

Pero ang pinakabida ay ang 85 beauties na pinatingkad lalo ang husay ng Pinoy designers.

— Video courtesy of Solar, LCS, MUO
Watch the 65th Miss Universe coronation live on ABS-CBN Channel 2 on January 30, 2017 Monday 8 a.m. (Manila time)