Sa wakas sabay na dumating ang hungry factor at right championship pieces para sa National University sa nakaraang taon nang tuldukan ng Bulldogs ang may 60-year title drought sa pagsakote sa 76th UAAP men’s basketball championship.

Pero iyo’y kagagawan ng isang mama na talagang binalasa ang eskwelahan para sa kabutihan lalo na ang matagal na panahon nitong tulog na programa para sa sports.

Kredito ang lahat kay Hans Sy, na sapul maging majority owner ng Sampaloc-based school noong 2008 ay ginamit ang pinansyal at ang agresibong recruitment programs para buhayin ang pamantasan at baguhin ang may batik na reputasyon ng Bulldogs.

Ang resulta’y nabuhayagang programa na kinakitaan ng tagumpay ng paaralan sa iba’t ibang sports, lalo na sa basketball makaraan ang makasaysayang tagumpay ng Bulldogs sa championship sa pagtabig sa Far Eastern University.

Sa success niyang mabago ang mga bagay, higit sa namalignong sports program ng NU, gagawaran si Sy ng Executive of the Year honor ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Annual Awards Night na co-presented ng Milo at San Miguel Corp. sa susunod na linggo sa 1Esplanade Mall of Asia Complex sa Pasay City, kasama ang Smart, Meralco, at MVP Sports Foundation, Inc. bilang mga principal sponsors at ang Philippine Sports Commission na major sponsor.

Si  BMX cyclist Daniel Caluag na lone gold medal ng bansa sa 17th Asian Games sa Incheon, Korea ang recipient ng prestigious Athlete of the Year award sa Feb. 16 rite na may mga ayuda rin mula sa PBA, Maynilad, Accel, National University, El Jose Catering, Air21, GlobalPort, PAGCOR, ICTSI, Rain or Shine, at PCSO.

Major awardees sina Donnie Nietes, San Mig Super Coffee team, Gabriel Luis Moreno, Michael Christian Martinez, San Beda Red Lions, June Mar Fajardo, Kiefer Ravena, Mark Galedo, Daniella Uy, Mikee Charlene Suede, Jessie Aligaga, Jean Claude Saclag, Philippine dragon boat team, Philippine poomsae team (male under 30), Philippine poomsae team (freestyle), Kid Molave, at Jonathan Hernandez.