Hello, Bulgarians! Isang masayang pagdiriwang ang ginanap sa SM Mall of Asia kamakailan para sa mga taong may Down Syndrome. Sa nasabing event, itinampok ang kantang “Natatanging Nilalang” ni Ronnie Lee na naglalarawan sa lahat ng katangiang nagpapa-espesyal sa mga indibidwal na ito. Ang pagbibigay-halaga sa mga taong may Down Syndrome at kanilang mga pamilya ay isa sa mga adbokasiya ng Down Syndrome Association of the Philippines, Inc. (DSAPI). Mula nang itatag ito noong 1991, naging aktibo ang organisasyon sa pagpapatupad ng mga inisyatiba na tumutugon sa mga taong ito, isa na rito ang Happy Walk for Down Syndrome sa pakikipagtulungan sa SM Cares.

Read more: https://www.bulgaronline.com/post/happy-walk-handog-ng-dsapi-at-sm-cares-sa-mga-taong-may-down-syndrome