Seryosong kasiyahan ang ipinangako ng mga players ng Houston Rockets at Indiana Pacers ngayon kahit na pre-season game pa lamang ang paglalaban ng dalawang koponan sa MOA-Arena sa Pasay City.
Siniguro ng dalawang team na ipapakita nila ang laro na karaniwang makikita gaya ng isang regular season game.
“We’re gonna come out and play in this (preseason) game like it’s an actual game. We’re not gonna come out on court without steam,” ani Indiana guard at team captain Paul George sa nakatakdang pagkikita ng Pacers at ng Rockets simula alas siyete ng gabi sa Philippine stop ng NBA Global Games.
“We’ll gonna give the fans a real show and hopefully get some fan base,” dagdag pa nito. Ibig sabihin ay walang pigil-pigil sa laro ang mga stars gaya nina Rockets center Dwight Howard,
Jeremy Lin at James Harden.
“I’m not gonna say any guarantee, but when I’m out there playing basketball I’m just gonna have fun and enjoy,” paniniguro naman ng purong Taiwanese player na nagpakalat ng ‘Linsanity’ sa kanyang phenomenal na pagsikat sa NBA na si Lin. “Take the whole experience and just play, not over think it.” Ito ang kauna-unahang pre-season game ng NBA na gaganapin sa bansa at parte ng NBA Global Games na 12 teams na maglalaro ng 10 regular season at 10 pre-season matches sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Sa unang pagkakakataon ay mabibigyang silip din kung gaano makakapagadjust ang 6-foot-ll na si Howard sa sistema ni Houston coach Kevin McHale matapos lumipat sa Rockets at iwan ang Los Angeles Lakers nitong off season.
“We are just trying to develop the chemistry with each other for myself and some of the other new guys, learning to play and absorbing the new system.” sambit ni All-Star center Howard.
Para kay dating Sixth Man of the Year awardee Harden, na nasa ikatlong pagbisita sa bansa, na magandang pagkakataon ang pre-season game para malaman kung ano pa ang dapat nilang i-develop sa team.
“It’s a great challenge for us to measure where we are and where we need to be.” anang pinakasikat na balbas saradong slasher ng Rockets.
At seryoso rin si Indiana coach Frank vogel, na kasama sa biyahe ang kanilang team president at NBA Legend na si Larry Bird, sa pagsasabiog ipapakitanilaangpisikal na larong nagdala sa tinaguriang ‘new kids on the block’ ng East sa pagiging runnerup sa Eastern Conference sa likod ng NBA champion Miami Heat.
May pangako naman si David West para sa mga Indiana fans. “We’ll go for the ‘W’, sambit ng forward. (Mark Escarlote)