Inilunsad ng Philippine Azkals ang “A Project”, programang layong makadiskubre at makahubog ng world-class players sa pamamagitan ng training techniques at mga pamamaraang ginagamit ng foreign club teams.
Nakipagsabwatan ang Azkals sa SM Mall of Asia para makabuo ng ‘future Azkals’ sa pamamagitan ng elite football program, para sa mga kabataang edad 6- 12.
“We have started the Azkals “A Project”, a developmental program of the Philippine Azkals, as part of our goal to make an even bigger impact in the Asian Football scene,” paliwanag ni Dan Palami, team manager ng Philippine men’s senior national team Azkals.
“We want to start when kids are still young. Hopefully, if this exercise is successful, we can have more homegrown players in the Senior Men’s National Team in the future,” dagdag niya.
Sisipa sa SM MOA grounds tuwing weekends umpisa sa Jan. 11, tampok sa elite football program ang mabusisi at matinding curriculum na pangangasiwaan ng Total Football group, ang Japan based training guru na pinamumunuan ni coach Leigh Manson.
Nagsasanay ng 15,000 kabataan bawat taon sa nakalipas na pitong taon, ang grupo din ang namamahala sa recruitment ng Nike Fe U18 squad sa Japan.
Sa pamamagitan ng revolutionary software sa football na ginagamit din sa European at American national/professional club teams tulad ng Liverpool at Manchester United, magdidisenyo ang Total Football School ng training sessions ayon sa kailangan ng bawat aplikante.
Tututukan nila ang progreso ng mga bata, sisiguruhin na nagamay na ng mga ito ang iba’t ibang skills at techniques sa football bago umangat sa mas mataas na level.
Maglalagay ng modular artificial grass pitch sa SM MOA para ma-expose pa ang mainstream football sa venue.
Para mas marami ang makasali sa programa, magkakaroon ng scholarship base sa merit at financial capacity ng player.
Ang scholarship program at football school na patatakbuhin ng Total Football ay gaganapin tuwing Sabado at Linggo, 10:00 a.m.-10:00 p.m.
Sa mga katanungan, tumawag sa 0916-7341618, 0919-8032024, mag-email sa [email protected], o sa Total Football School PH sa Facebook.